The Hero
Ngayong Umaga lang habang nagfre-friendster ako, biglang may nag comment sakin ganito sabi=
hi im looking for my uncle nestor salvador hes from viliacis santiago isabela,wud u mind if he know teresita salvador luena ... emergency only for his brother angelito salvador !!thank you .... messge back asap !!
Siguro sinearch niang lahat ng Salvador sa Friendster na taga Isabela..Buti nalang online ako nung time na un, nagreply ako agad sabi ko, "May Uncle ako pangalan Nestor Salvador din kaso hindi cia taga Santiago nasa Anggat Bulacan siya now e2 ym ko usap nalang tayo", binigay ko ym ko, nag usap kami... Si Mrs.Teresita Salvador nakausap ko na asawa nung Angelito Salvador, nasa Manila sila nun sa Hospital, dying na pala Si Sir Lito, kaya gus2 nia makita kapatid niya na si Sir Nestor how sad, naki usap sakin Si Maam Teresita na magawan ko ng paraan para magkaroon sila ng communication kasi wala silang contact at malapit na mamatay si Mr. Angelito. Naiyak siya habang kausap nia ko nun sa YM. Sabi ko gagawan ko po ng paraan, magtetext ako sa mga kakilala ko na taga Santiago.
Nag-isip ako ng matetext, wala rin sa phonebook ko pwede mahingan ng tulong, kaya wala na rin lang ako ginagawa sa maghapon, pinuntahan ko sila alang-alang kay Sir Lito, Baka kc wala na silang ibang mapagsabihan e mamatay na siya na hindi nakikita kapatid niya.
Pumunta agad ako ng palengke gamit motor ko para kumuha ng traysikel, pinasunod ko siya hanggang sa bahay namin, tapos sa kanya ako sumakay pag baba ko sa motor para ihatid ako sa sakayan papuntang santiago, d pa ko nakapagpaalam ng mabuti kay mama.
So nagbayad ako sa Van pag baba ko ng Santiago, sakto pa kamong sa Villasis ako binaba, so nagtanung-tanung ako, hanggang natungtong ko ung bahay nila, naabutan ko dun dalawang kapatid pa niang babae, wala si Kuya Nestor, sinabi ko kung bakit ako nandun? Ayun hindi naman masyadong nalungkot pero natuwa sila sa ginawa ko, kc medyo malayo ang Santiago sa Jones Isabela, Tinawagan nila si Maam Teresita kc binigay ko ung number, naintindihan nilang lahat ung nangyari, so It's time for me to go, nagpaalam ako pero itong si Ate Eriejoy binigyan ako 100 pamalit daw sa pamasahe ko, tinanggap ko kc ung pinamasahe ko ung kinita ko lang sa pag2g2g sa chruch earlier. Nag-thank you sila, madaming thank you, masaya naman ako.. naligaw pa ko sa daan palabas, nilakad ko na hanggang 4 lanes kc malapit na, dun ako sasakay, Pagdating ko dito kinuwento ko kila mama at sa mga kaibigan ko nangyari, hehehe, proud siyempre, tapos ngaun lang bago ko ipost blog na to 2mawag si Maam Teresita, Nagpasalamat ng napakarami, hulog daw ako ng langit, hehehe, ang saya ng araw na to, sarap maka2long sa kapwa
Alam ko kc pakiramdam pag d naabutan ng buhay ang isang mahal sa buhay, tatay ko namatay 3 days bago Graduation ko, namatay siya sa bahay ng Tito Nestor ko sa Anggat Bulacan, aatend sana siya ng Graduation ko Kc ako nalang ung anak nia na Gagraduate, Ung dalawang nauna sakin Gumraduate ng wala siya, Ako nalang huling anak aatend siya, kaso dun siya Inatake ng sakit. Masakit para sakin, sobra, kaya ayoko maramdaman nila,,,hehehe,,,un lang
THE DAY I BECAME A HERO,,,,,,,
BOW:]
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento